Nais paimbestigahan ni Senate Committee on Energy Chairperson Raffy Tulfo ang napaulat na paulit-ulit na power interruption at mataas na singil sa kuryente sa Oriental Mindoro.
Sa inihaing resolusyon ng Senador na may layuning makapagkasa ng Senate Inquiry dahil sa mga reklamong natatanggap mula sa mga residente ng nasabing probinsya.
Napag-alamang nakakatanggap ng hanggang 200% na bonus ang mga tauhan ng Oriental Mindoro Electric Cooperative (OMECO) sa kabila ng pangit na serbisyo nito sa kanilang mga consumer.
Samantala, hinihingian din ni Sen. Tulfo ng sagot ang mga opisyal ng Department of Energy (DOE), maging ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan hinggil sa naturang isyu sa nabanggit na lugar.
Pinatitiyak din ng senador sa Energy Regulatory Commission (ERC) at National Electrification Administration (NEA) ang performance evaluation sa power distribution companies para sa kalidad na serbisyo ng mga ito.
Bukod pa dito, ang pagpataw ng penalty sa mga abusado at pabayang mga distributor.
Siniguro naman ng Kongreso, na kwalipikado ang electric companies na makapagbigay ng de-kalidad na suplay ng kuryente sa mga mamamayan, sa pamamagitan ng pag-check ng kanilang technical capability, maliban sa legal at financial requirements.