Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng probinsya ng Bohol para sa gaganaping ASEAN o Association of Southeast Asian Nations Meeting.
Ayon kay Bohol Acting Administrator Mitchel John Boiser, higit 3,000 mga pulis ang nakatakdang ipakalat sa lugar para sa kaayusan at seguridad sa gaganaping event.
Nakatakda ring ipatupad sa lugar ang No – Fly at No Sail – Zone.
Gaganapin sa isla ng Panglao ang ASEAN Taxation Initiatives mula Oktubre 23 hanggang 25.
Una nang ginanap nasabing isla ang naunang dalawang ASEAN Meeting at ang Asia Cooperation Dialogue na pinangunahan ng Department of Energy.