Walang naging pagtaas sa bilang ng severe at critical cases ng COVID-19 sa mga nakalipas na araw.
Ito ang nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kasunod umano nang pagtaas ng porsyento ng severe at critical cases mula November 14 hanggang 24.
Aniya, bunsod lamang ito ng mababang bilang ng aktibong mga kaso.
Binigyang diin pa ni Vergeire na ang pag-uulat ng severe at critical cases ay hindi kasama sa time-based tagging ng mga kaso, kung saan ang mild, asymptomatic, at moderate cases ng COVID-19 ay ikinukunsiderang nakarekober na matapos ang 14 na araw.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang DOH sa mga lokal na pamahalaan para mapabilis ang validation ng severe at critical cases. —sa panulat ni Hya Ludivico