Bumaba ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nagsasabi na nagugutom sila.
Ito’y matapos lumabas sa isang Social Weather Stations survey na bumaba ng 7-point-2 percent ang bilang ng mga tinutulungan ng “Walang Gutom Program” ng Department of Social Welfare and Development.
Ayon sa SWS, mula 48-point 7 percent noong Oktubre 2024, unti-unting bumaba ang hunger prevalence rate sa 41-point-5 percent noong Marso ngayong taon.
Pinakamalaki ang ibinaba ng regional rate ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, kung saan naitala ang isa sa bawat tatlong benepisyaryo ng naturang programa ng pamahalaan.




