Pumalo sa 2.2 milyong dayuhang turista ang bumibisita sa bansa sa unang bahagi ng taon.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo – Puyat, mas mataas ito ng 7.6 na porsyento kumpara sa 2. 05 million foreign tourist mula Enero hanggang Marso noong nakalipas na taon.
Nito lamang Marso, umabot sa 714, 309 na dayuhang turista ang bumisita sa bansa kumpara sa mahigit 600,000 lamang noong 2018.
Nangunguna sa mga dayuhang madalas na bumibisita sa bansa ay mula sa South Korea, China, Amerika, Japan at Australia.
Kaugnay nito, positibo ang kalihim na maabot ng bansa ang 8.2 million tourist target para ngayong taon.