Inihayag ng Department of Health (DOH) umabot na sa 399 ang kabuuang bilang ng mga nasawi bunsod ng dengue sa pilipinas.
Batay sa datos ng DOH, nakapagtala na ng 118,526 na kaso ng naturang sakit sa bansa hanggang nito lamang Agosto a-sais.
Mababatid na ang naturang bilang ng mga tinamaan ng dengue ay mas mataas ng 153% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Habang mas mataas naman ng 167 ang death toll na naitala ngayon kumpara sa naiulat sa parehong panahon noong 2021.