Bumaba ang bilang ng mga nanlalabang drug personalities sa bagong war on drugs ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay P.N.P. Spokesman, Chief Supt. John Bulalacao, posibleng napagtanto na ng mga drug suspect na hindi nila kailangang manlaban sa mga pulis.
Tatlong buwan matapos bumalik ang P.N.P. sa war on drugs, umabot na sa 106 ang namatay.
Ipinagmalaki naman ng pambansang pulisya na habang bumababa ang bilang ng mga namamatay, tumataas naman ang bilang ng mga naaaresto at sumusuko sa Oplan Tokhang.
Simula Enero 29 hanggang Marso 5, mahigit 4,000 na ang mga sumusuko sa tokhang habang sampung libo walundaan ang naaresto.
-Jonathan Andal