Umabot na sa mahigit 6-M sim cards ang nairehistro sa bansa.
Batay ito sa datos ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ikatlong araw ng implementasyon ng Sim Registration Law.
Pinaka-marami ang nagparehistro sa Globe telecom, 2.7-M; Smart, 2.6-M at DITO Telecommunity, 760,000.
Mayroon lamang anim na buwan o 180 araw ang mga subscriber para irehistro ang kanilang gamit na sim cards upang hindi ma-deactivate ang mga ito.
Nitong Martes, Disyembre 27 nang umarangkada ang sim registration.