Aabot sa 24 na sibilyan ang naaresto ngayong araw dahil sa paglabag sa pina-iiral na Election Gun Ban ng Commission on Elections (COMELEC).
Ito’y batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) mula sa may 2,975 na mga inilatag na checkpoint sa iba’t ibang panig ng bansa.
Nanguna ang National Capital Region (NCR) sa nagtala ng pinakamaraming lumabag na may 8, sinundan naman ito ng Central Luzon, CALABARZON, Bicol, Western at Central Visayas.
Gayundin sa Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN at CARAGA sa bahagi naman ng Mindanao.
Sa ikinasang operasyon, 8 sa mga nakumpiska ang mga baril, 6 ang patalim at iba pang nakamamatay na bagay, 43 ang bala at 2 ang replica ng baril.
Dahil dito, aabot na sa 64 sa kabuuan ang bilang ng mga naaresto dahil sa paglabag sa gun ban buhat nang simulan itong ipatupad nuong Enero a-9. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)