Posibleng bumaba sa 500 ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng Nobyembre.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nasa 907 na lamang ang average na bilang ng arawang kaso na kanilang naitala noong nakalipas na linggo.
Ibig sabihin nito ay nasa negative (-) 30 percent ang growth rate ng COVID-19.
Binigyang-diin din ni David na bumaba ang seven-day average ng mga kaso sa Metro Manila sa 210 cases kada araw sa nakalipas na linggo.
Nasa 0.68 naman ang reproductuon number o antas ng hawaan sa isang lugar.
Nabatid na ang reproduction number na mababa sa isa ay nagpapakita nang mababang hawaan ng COVID-19 infections.