Tumaas ng halos 460% ang nakitang pagtaas sa pagpuslit ng ecstacy sa bansa.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva, umabot kasi sa higit 74,000 na tableta ng ecstacy ang nakumpiska noong 2021.
Higit na mas mataas ito kumpara sa 13,000 na nakuha noong 2019.
Aniya, ang nakitang pagtaas ay posibleng bunsod ng tumataas na demand na may kaugnayan sa psychological at mental health effects bunsod ng nararanasang pandemya.
Dahil dito, maraming parokyano ang gumagamit ng internet para mas madaling makabili ng droga na siyang dahilan kaya’t nagkakaroon ng smuggling ng party drugs.
Nabatid na karamihan sa mga suplay ng ecstacy ay mula sa European countries gaya ng The Netherlands, Germany at Belgium na pinapadala sa bansa gamit ang mail at parcel system.—sa panulat ni Abie Aliño-Angeles