Nanawagan ang isang grupo ng mga commuters na padamihin ang bus sa EDSA carousel para maiwasan ang pagkakaroon ng mahabang pila rito.
Sinabi ni Julius Danay, Chairperson ng Commuters of the Philippines, hindi sapat ang mga bus na rumuruta sa EDSA lalo’t limitado pa ang kapasidad ngayon dahil sa ipinatutupad na health protocols.
Ani Danay, unang solusyon dito ay padamihin pa ang mga bus para mas maraming pasaherong maserbisyuhan.
Naniniwala rin si danay na isa ring urban transport planner, na dapat pabalikin na ng gobyerbo ang mga lumang bus na bumibiyahe sa EDSA.
Isa aniya sa katunayan na kulang ang masasakyan ng mga pasahero ay marami na ngayon ang nagbibisekleta papasok ng trabaho.