Mahilig ka bang magkape?
Narito ang ilang benepisyo nito:
Ang kape ay mabisang pampataas ng energy level dahil sa stimulant na meron ito na tinatawag na caffeine.
Nakasusunog din ito ng taba ; at mayaman din ito sa vitamins at nutrients tulad ng riboflavin o vitamin B2; pantothenic acid o vitamin B5: Manganese at potassium; magnesium at niacin.
Pinabababa rin nito ang tyansa ng pagkakaroon ng type 2 diabetes at pangontra sa alzheimer at dementia.
Pinoprotektahan din nito atay at mabisa rin itong pampasaya at pangontra sa depression.—sa panulat ni John Riz Calata