Tinatayang Labinlimang libo katao ang nag-rally sa Belgrade, Serbia bilang pagtutol sa 3 Billion Dollar re-development plan ng ilang bahagi ng kabisera.
Iginiit ng mga raliyista ang pagbibitiw sa pwesto ni Belgrade Mayor Sinisa Mali na nasa likod umano ng demolisyon sa ilang itinuturing na makasaysayang gusali sa Savamala District.
Ayon sa mga demonstrador, dapat dumaan sa public consultation ang kasunduang pinasok ng gobyerno at isang Abu-Dhabi based real estate developer.
Alinsunod sa plano, i-de-develop ang Savamala at mga karatig lugar bilang isang malaking upscale housing at shopping complex kahalintulad ng development sa Dubai, United Arab Emirates.
By: Drew Nacino