Patay ang isa katao habang tatlo ang sugatan sa pamamaril sa isang eskuwelahan sa Maryland, United States.
Kinilala ang nasawi na si Austin Wyatt Rollins, labing pitong (17) taong gulang na siya ring suspek at nasawi matapos makipagbarilan sa mga awtoridad.
Batay sa ulat, isang mag-aaral si Rollins sa Great Mills High School kung saan niya pinagbabaril ang isang babae at isang lalake na kapwa rin niya estudyante.
Kasalukuyang nasa kritikal na kundisyon ang 16-taong gulang na babae na napag-alamang dating karelasyon ni Rollins habang nasa ligtas nang kalagayan ang 14-taong gulang na binate.
Kasalukuyan namang iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang naturang insidente.
—-