Bumaba sa 13% mula sa dating 23% noong November 7 ang bed occupancy rate para sa mga COVID-19 patients sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa Manila Health Department, nasa 65 na lamang ang nananatiling okupado sa anim na district hospital ng lungsod kabilang na dito ang Ospital ng Maynila, Ospital ng Sampaloc, Jose Abad Santos General Hospital, GAT Andres, Ospital ng Tondo, at STA. Ana HOSPITAL.
Sa ngayon, 0% narin ang occupancy rate sa 14 na COVID-19 quarantine facilities sa Maynila. —sa panulat ni Angelica Doctolero