Muling nanguna si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pinaka-bagong pulse asia survey para sa presidential race.
Sa isinagawang survey noong January 19 hanggang 24, 60% ng 2,400 respondents ang bumoto kay Marcos, pangalawa naman si vice president Leni Robredo na umani ng 16%.
Tabla naman sa ikatlong pwesto si Manila mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at senator Manny Pacquiao na kapwa nakakuha ng 8% habang 4% si senator Panfilo Lacson.
Samantala, nakakuha ng 0.3% sina Faisal Mangondato; dating presidential spokesman Ernesto Abella, 0.05% at labor leader Leody De Guzman, 0.02%.