Sa panahon ngayon, itinuturing na ring pamilya ang mga alagang aso—binibihisan, pinakakain, at ipinapasok pa sa dog schools. Pero ang batang ito mula sa Thailand, sobrang napalapit sa mga aso at umabot na sa puntong natuto na rin itong tumahol.
Kung ano na ang lagay ng bata, eto.
Madalas ay mga aso ang nakakasama ng isang hindi pinangalanang 8-year-old boy mula sa Lap Lae District sa probinsya ng Uttaradit sa Thailand dahil napabayaan na umano ito ng kaniyang 46-anyos na nanay at 23-anyos na kuya.
Ayon sa isang school principal sa Lap Lae District, dinala umano ng nanay ang kaniyang anak sa eskwelahan, hindi para pag-aralin kundi para mangolekta lang ng mga benepisyo.
Dahil emotionally abandoned ang bata, nakahanap ito ng aruga sa anim na mga aso kung saan ito natuto kung paano tumahol.
Nakarating ang kwento ng bata sa founder ng Foundation for Children and Women na Si Paveena Hongsakul kung kaya natunton ang kinaroroonan nito sa tulong ng mga otoridad.
Doon nadiskubre na napabayaan na ang bata at kapwa gumagamit ng droga ang kaniyang nanay at kuya. Napag-alaman din na iniiwasan ang kanilang buong pamilya dahil kalat na kalat ang paggamit ng droga ng nanay na ang pinagkakakitaan ay ang panlilimos.
Samantala, nasa kustodiya na ng Uttaradit Children’s Home ang bata, kung saan makakapag-aral na ito at matututo nang makipag-usap sa tamang paraan.
Bago mag-anak, siguraduhin muna na bukod sa pagiging financially stable ay nakatatak na sa inyong isipan na ang papasukin niyo ay isang responsibilidad na habambuhay niyong gagampanan at hindi pwedeng basta-basta niyo lang bitawan.