Muling nagkalat ang basura sa paligid ng bay walk sa kabila ng rehabilitasyon ng Manila bay.
Ayon kay Marissa Cristobal ng Department of Public Services ng lungsod ng Maynila, hindi pa rin mapigil ang ilang pasaway na magtapon ng basura sa bay walk.
Kaninang umaga nang mag-mistulang resort ang baywalk dahil sa dagsa ng tao na nag-picnic bukod pa sa malamig na panahon habang ang iba ay nag-swimming sa kabila ng pagbabawal.
Matapos nito ay muling bumungad ang mga basura na agad namang nilinis ng mga volunteer mula sa DENR, MMDA at iba pang government agency.
Samantala, patuloy ang paalala ng DENR na iwasang magkalat sa Manila bay.