Limitado lamang ang maaaring mabiling basic goods sa Quezon City sa pagpapatupad ng ECQ sa Metro Manila.
Batay sa direktiba ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, kailangang limitahan ang pagbili ng mga basic goods para maiwasan ang hoarding at magka problema rin sa supply ng mga ito, dahilan para hindi makabili ng kanilang pangangailangam ang ilang pamilya sa panahon ng ECQ.
Sinabi ni Belmonte na kailangang mailatag na ang polisiyang ito para pantay na makabili ang mga residente ng lahat ng kanilang pangangailangan. Hanggang limang pirasong sardinas lamang kada brand at hanggang 10 karneng de lata naman tulad ng meatloaf ang mabilili ng bawat tao sa kabuuan ng ECQ.