Tuluyan nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Ramil na lumakas pa at isa na ngayong severe tropical storm.
Huling namataan ang bagyo sa layong 240 kilometro hilaga ng Pagasa Island, Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 90 kilometro kada oras at pagbugsong papalo naman sa 115 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Ayon sa PAGASA, asahan pa rin ang mahina hanggang manaka-nakang malakas na pag-ulan at thunderstorms sa bahagi ng Palawan dahil sa bagyo.
Nananatiling mapanganib ang paglalayag sa northern at western seaboards ng Northern Luzon.
—-