Posible nang ilabas sa unang linggo ng Nobyembre ang bagong polisiya na may kinalaman sa rice importation at farmgate price ng palay.
Kasunod ito ng deklarasyon ng Department of Agriculture na hanggang sa katapusan ng taon ipatutupad ang rice importation ban.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kasalukuyang pinag-aaralan ng Cabinet Level Tariff and Related Matters Committee ng Economy and Development Council ang mga isyung ito at maghahain ito ng rekomendasyon sa konseho.
Layunin ng naturang mga hakbang na mapangalagaan ang interes ng mga lokal na magsasaka habang tinitiyak na may sapat na suplay ng bigas sa merkado.