Pinangunahan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang unveiling ng Legacy Wall, ang mural kung saan makikita ang mga larawan ng mga kasalukuyang senador.
Ayon kay Senate President Escudero, may mga bagong miyembro ng Senado ngayong 20th Congress kaya pinalitan na ang mga dating larawan na nasa Legacy Wall.
Kasama na sa Legacy Wall ang larawan ng mga neophyte senator na sina Senators Erwin Tulfo, Camille Villar, Rodante Marcoleta; mga nagbabalik sa Senado na sina dating Senate President Tito Sotto; at Senators Panfilo Lacson, Kiko Pangilinan, at Bam Aquino.
Paliwanag ni SP Escudero, ginawa nilang alphabetical ang pagkakasunod ng mga larawan.
Mahigit walongdaang libong piso aniya ang ginastos para sa bagong Legacy Wall at binigyang-diing rasonable ang halaga nito.
—sa panulat ni John Riz Calata