Idadaan na sa litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang warning sa mga kriminal na lumalabag sa batas.
Ipinakita ni Pangulong Duterte sa kaniyang pagdalo anibersaryo ng Bureau of Customs kahapon ang kaniyang larawan na may nakasulat na “Not During my Watch, Huwag sa panahon ko”.
Ayon sa Pangulo hindi lamang ito mensahe para sa mga gumagawa ng krimen at mga sangkot sa iligal na droga, kundi pati sa lahat ng gumagawa ng katiwalian at anomalya sa pamahalaan.
Banta pa ni Pangulong Duterte na sa oras na makatanggap ang isang indibidwal ng kaniyang nasabing litratong may mensahe ibig sabihin ay kandidato na ito sa extra-judicial killing.
Gayunman nilinaw ng Pangulo na hindi ito ginawa para sa mga Muslim, ngunit kung sila rin ay lalabag aniya sa batas ay ibibilang na rin sila.
Posted by: Robert Eugenio