Sa halip na mapanatag ang mga homeowners dahil magkakaroon na sila ng tagapag-alaga at taga-bantay, pangamba pa ang hatid ng isang babae na nagpapanggap bilang isang kasambahay na ang target pala ay ang maganakaw at hindi ang magtrabaho.
Kung ano ang kinahinatnan ng mapagpanggap na babae, eto.
Muntik nang maka-secure ng panibagong trabaho ang babaeng kinilalang si Milagrosa Patoc matapos mag-reply sa isang post kung saan naghahanap ng babysitter para sa isang dalawang taong gulang na batang babae.
Kiktain niya sana sa isang bus station sa Alibagu, Isabela ang nakausap niyang naghahanap ng yaya pero sa halip na bagong trabaho, bilangguan ang papasukan ng babae dahil na-korner na ito ng mga pulis matapos madiskubre ang kaniyang modus.
Ang babae kasi, nagpapanggap at namamasukan bilang isang kasambahay para makapagnakaw. Sa katunayan, noong nakaraang taon na-hulicam ito habang tumatakas bitbit ang 500,000 peso cash at mga alahas ng dati niyang amo sa pinasukang bahay sa mandaluyong.
Makalipas lang ang tatlong araw ay namataan naman ito sa San Rafael, Bulacan kung saan itinatakas nito ang isang maleta na naglalaman umano ng cash na nagkakahalaga ng 400,000 pesos na kaniya ring dinekwat mula sa kaniyang naging amo.
Samantala, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang babae at mahaharap sa patung-patong na kaso na qualified theft.
Sa mga gusto ng easy money diyan, madali rin yang mawawala, lugi ka pa dahil may kasama itong karma.