Isa ang pagbubuntis sa mga usapin na hindi dapat ginagawang biro dahil sensitibo itong topic para sa marami. Pero ang babaeng ito mula sa Scotland, siyam na buwang nagpanggap at pinaniwala ang kaniyang pamilya na nagdadalantao siya. Pero nang manganak ang babae, nabuko na isa lang palang manika ang bata.
Ang kwento ng pagpapanggap ng babae, eto.
Nauwi sa paghingi ng tawad sa kaniyang social media account ang 22-anyos na si Kira Cousins mula sa Scotland ang isa sanang selebrasyon para sa pagsilang niya ng kaniyang baby girl.
Ito’y matapos mabuko na hindi naman talaga nagbuntis at mas lalong hindi nanganak si Kira.
Sa loob ng siyam na buwan, kabilang sa mga ginawang pagpapanggap ni Kira ay ang pagsusuot ng prosthetic bump, pagpo-post ng pictures ng ultrasound, at pagce-celebrate sa isang gender reveal party.
Matapos manganak mag-isa, ibinida ni Kira ang newborn baby na pinangalanan niyang Bonnie-Leigh Joyce. Pero hindi nagtagal ay nabuko si Kira ng mismo niyang nanay matapos nitong makita ang manika sa kaniyang kwarto.
Sa sobrang kapani-paniwala ng manika at ng fake pregnancy nito, nagawa nitong paniwalain at lokohin ang tatay umano ng bata at ang mismong pamilya at mga kaibigan ni Kira na tinawag siyang serial liar.
Samantala, matapos nito ay naglabasan ang opinyon ng mga kamag-anak ni kira na kaduda-duda na ni minsan ay hindi nila narinig na umiyak ang bata at ayaw umano itong ipahawak sa kanila ni Kira.
Ikaw, may kilala ka rin ba na makukunsiderang pathological liar? Kung ganon, gaano kalala ang kasinungalingan na narinig at nakita mo?



