Patay ang isang babae makaraang tumalon mula sa ika-limang palapag ng SM Megamall sa Mandaluyong City kahapon ng hapon.
Ayon kay Sr/Supt. Joaquin Alba, chief of police ng Mandaluyong City PNP, bumagsak sa basement ang naturang babae sa Building B ng nasabing mall.
Agad itong isinugod ng mga guwardiya ng mall sa Medical City Pasig ngunit idineklara rin itong DOA o Dead On Arrival.
Walang nakita ang mga pulis na pagkakakilanlan sa nasabing babae na nakasuot ng itim na damit at maong na pantalon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya.