Apat na uri ng lutong pancit ang nakapasok sa 50 best stir-fry dishes in the world ng website na Taste-Atlas.
Kinilala bilang highest rated Filipino stir-fry dish at nag-rank 21 sa listahan ang pansit bato na kilalang nagmula sa bayan ng Bato, Camarines Sur.
Samantala, nakuha naman ng rice noodle dish na pansit malabon o mas kilala bilang palabok ang ika-39 na pwesto.
Nasungkit din ng pancit canton ang number 46 sa listahan habang rank 48 naman ang pancit bihon.
Sa Pilipinas, hindi nawawala sa anumang handaan ang kahit anong luto ng pancit na itinuturing ng mga pinoy na pampahaba ng buhay. —sa panulat ni Mark Terrence Molave