Pinayagan nang muling makapamasada ang motorcycle ride-hailing service na Angkas.
Batay sa inilabas na desisyon ni Judge Carlos Valenzuela ng Mandaluyong RTC Branch 213, inatasan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr) na huwag pigilan ang operasyon ng angkas at ipinagbabawal na rin ang paghuli sa mga biker nito na nagtatrabaho lamang.
Magugunitang nuong Nobyembre 2017 ay sinuspinde ng LTFRB ang operasyon ng Angkas dahil umano sa paglabag sa Republic Act 4136 o ‘land transportation and traffic code’.
Samantala, lubos namang ikinatuwa ng angkas ang muli nilang pagbabalik operasyon.