Amerika, Japan at Australia.
Ito ang mga bansa, ayon sa survey ng Pulse Asia ang dapat pinagkakatiwalaan ng Pilipinas.
Nakasaad pa sa survey na isinagawa ng June 24 hanggang 27 sa 1, 200 respondents na China at Russia ang mga bansang hindi dapat pinagkakatiwalaan ng Pilipinas.
Ipinabatid ng Pulse Asia na 58% ng respondents ang naniniwalang dapat pagkatiwalaan ng Pilipinas ang Amerika o mabigyan ng “Fair amount of trust” at 31% naman ang nagsabing “Great deal of trust” ang dapat ibigay ng bansa sa Estados Unidos.
Batay sa survey, pumapalo sa 89% ang kabuuang trust rating ng US na matagal nang kaalyado ng Pilipinas.
63% ng respondents ang nagsabing dapat mabigyan ng “Fair amount of trust” ang Australia, 15% ang nagsabing “Great deal of trust” at 79% ang kabuuang trust rating nito.
Para naman sa Japan, 55% ang nagsabing dapat bigyan ito ng “Fair amount of trust” ng Pilipinas, 22% ang “Great deal of trust” at nasa 78% ang kabuuang trust rating nito.
Samantala, 31% ng respondents ang nagsabing “No trust at all” ang trato ng Pilipinas sa China at 36% ang nagsabing “Not too much trust” sa tinaguriang Asian Superpower.
26% ng respondents ang pabor sa “No trust at all” ng Pilipinas sa Russia at 36% naman ang nagsabing “Not too much trust” ng bansa ang Russia.