Welcome kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang alok ng pribadong sektor na tulong para masolusyunan ang malawakang pagbaha sa Metro Manila.
Ayon sa Pangulo, ito ang dahilan kung bakit patuloy niyang ipinapaalala kung bakit kailangan talagang maging bahagi ng national development at makatulong sa mahahalagang proyekto ng gobyerno ang mga pribadong sektor.
Samantala, nilinaw ng Pangulo na bago gumawa ng proyekto ang gobyerno at pribadong sektor, kailangan munang ayusin ng mga lokal na pamahalaan ang kani-kanilang problema sa basura sa kani-kanilang mga nasasakupan na nagiging sanhi ng pagbara at pagpalya ng mga drainage system.
Sinabi rin ng Pangulo na mananatiling bukas ang pamahalaan sa sinumang gustong tumulong sa mga proyekto ng gobyerno.