Tinambangan ang alkalde ng Marawi City kaninang madaling araw sa labas ng isang hotel sa Cagayan de Oro City.
Ayon kay PNP-ARMM Spokesman, Police Inspector Ronald de Leon, kasama ni Mayor Sultan Fahad Pre Salic ang kanyang driver ng atakehin sila ng mga hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan.
Si Salic, na tumatakbo ngayong gobernador ng Lanao del Sur, ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang pwetan, kanang hita at likod; habang ang kanyang driver ay nasugatan sa kanang bahagi ng mukha.
Agad namang naisugod sa ospitala ng dalawa at ngayo’y nasa stable na kondisyon na.
By Jonathan Andal