Itinanggi ni Philippine Ambassador to Canada Rodolfo Robles na mayroong mga pre-shaded ballot na ipinamahagi sa mga Overseas Filipino sa naturang bansa.
Ito’y makaraang makatanggap si Robles ng reklamo mula sa isang Pinoy sa Vancouver, na nagsabing pre-shaded umano ang kanyang balota.
Gayunman, imposible anya itong mangyari dahil natanggap ang reklamo sa mismong araw na ipadadala pa lamang ang mga balota mula sa Ottawa at aabutin ng dalawang araw bago makarating ang mga ito sa Vancouver.
Ikinukunsidera naman ng embahador na fake news ang nasabing reklamo na layuning sirain ang sistema ng botohan.