Tiniyak ng AirAsia Move ang kanilang pakikipagtulungan sa gobyerno upang isulong ang transparency at patas na presyo para sa kapakanan ng mga consumer.
Tugon ito ng AirAsia Move matapos ipag-utos ng Department of Transportation ang pagsasampa ng kasong economic sabotage sa nasabing online booking site dahil umano sa labis na paniningil ng pasahe.
Ipinag-utos din ni DOTr Secretary Vince Dizon sa Civil Aeronautics Board na ipasara ang nasabing online booking platform.
Gayunman, nilinaw ng nabanggit na online platform na hindi nila mano-manong itinatakda o minamanipula ang airfares.
Nag-ugat ang kautusan ng kalihim sa sumbong na umabot umano sa 40,000 pesos ang one-way ticket ng AirAsia patungong Tacloban City, Leyte.