Nabunyag na kung pagbabatayan ang pag-aanalisa ng artificial intelligence (AI) ng 3RDEY3 (@3RD_AI_) na naka-post sa X, may malaking porsyento umano na hindi makakasampa si Makati Mayor Abby Binay sa inaasam na Magic 12 sa Senado taliwas sa kanyang inaasahan.
Sabi sa post ng 3RD_AI_, naitala ang tsansa ni Abby Binay sa ika-11 hanggang ika- 14 puwesto sa Magic 12 kaya nanganganib itong malaglag sa ika-13 hanggang ika-14 puwesto sakaling lumakas ang kalaban nito.
“Our AI model predicts medium chances of her winning ranking between 11-14,” giit ng grupo.
Sinasabing pinagbasehan ng grupo ang pag-aanalisa sa nakikitang posts ng netizens sa iba’t -ibang social media platform na binigyan nila ng scoring sa positive, negative at neutral na porsyento.
Sa pag-aanalisa ng 3RD_AI_ na kahit may 40% positive narrative sa social posts ang nakukuha ni Abby Binay sa pagiging alkalde ng Makati City, nahaharap naman umano ang anak ni dating Vice President Jejomar Binay sa lumalakas na negatibong kritisismo sa kanyang comments sa ibang political figures.
“Like many politician, Abby Binay faces criticism particularly in relation to her comments on other political figures and her family political legacy. Some narratives focus on these controversies questioning her motives and political strategies,” ayon kay 3RDEY3.
Nabatid na umani rin umano si Binay ng 30% negative sentiments mula sa social posts mula sa publiko at 20% neutral sentiment at 50% positive sentiments.
Pahayag ng 3RDEY3, halos 40% umano ng kabuuang conversation kay Abby Binay sa social media ay may relasyon sa liderato nito sa Makati.
Subalit natuklasan din ng grupo na 20% ng kritisismo kay Abby Binay ay hinihinalang nag-uugat sa family background at kontrobersiyal na alyansang pulitikal.
Maaalala na unang umani ng matinding kritisismo ang pamilya ni Abby Binay sa pagpapatayo ng parking building ng Makati City Hall na umabot sa bilyong halaga na ibinulgar ni dating Senador Antonio Trillanes IV.
“Negative (30%). Some posts criticize her political strategies and family legacy, which contribute to a negative sentiment. This criticism often focusses on her comments about political and perceived political maneuvering,” ayon sa post ng 3RDEY3
Ito ang dahilan kaya sinasabing naitala ng 3RDEY3, moderate lamang ang tiyansa ni Abby Binay na makasampa sa Senado.
“Abby Binay has a moderate chance of winning a Senate seat. Her strong political alliances and achievement as mayor contribute positively, but criticism and controversies may impact her overall appeal,” ayon sa 3RDEY3.
Batay pa rin sa account ng @3RD_AI_ ( https://x.com/3RD_AI_) na nagsasabing “AI model to track common-sense and make predictions on geopolitics, elections and global crisis.
Binanggit na nakabase umano ang grupo sa San Francisco, California at lumahok sa X noong Pebrero 2024 na may 1,277 followers, kabilang ang ilang local influencers sa social media.