Tinatayang limang libong pamilya ang itinaboy ng matinding bakbakan sa pagitan ng mga puwersa ng gobyerno at Taliban sa Kunduz City, Afghanistan.
Ayon sa Kunduz Refugees and Repatriation Department, ang dalawang libo sa mga Afghan families ay lumikas sa Kabul at iba pang mga karatig-probinsya.
Matatandaang sinimulang kontrolin ng mga rebelde ang ilang distrito kasunod ng pag-atras ng US-led NATO forces sa kanilang bansa.