Kanselado ang nasa 85 flights dahil sa sama ng panahon dulot ng bagyong Odette.
Batay sa inilabas na abiso ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), 42 nito ang arrival flights o mga flight papuntang NAIA at 43 ang departure flights o mga flights na palabas ng NAIA.
Sa NAIA terminal 2, kanselado ang mga flight ng Philippine Airlines (PAL) na may biyaheng papunta at pabalik ng Maynila sa mga lugar ng Butuan, Tacloban, Siargao, Boracay, Cebu, Iloilo, at Tagbilaran.
Sa Terminal 3, kanselado rin ang flights ng Cebgo na may biyaheng Manila patungong Siargao.
Nagkansela rin ng flights ang Cebu Pacific na may biyaheng Manila papuntang Butuan, Manila patungong Cebu at patungong Boracay.
Kinansela rin ng Airasia Philippines ang biyahe na mula Manila patungong Caticlan.