Nakapagtala ang Office of the Vice President ng 85.55-percent o 1.78-billion pesos ng 2.08-bilyong budget nito para sa 2024 na nagamit sa mga programang pangkabuhayan at panlipunan.
Batay sa 2024 accomplishment report, umabot sa 1.78 milyon ang kabuuang benepisyaryo ng mga programa ng OVP.
Pinakamalaki rito ang libreng sakay na may higit 1 milyon benepisyaryo, na sinundan ng Pagbabago campaign, medical assistance, at pamamahagi ng rice food bags.
Matatandaang binawasan ng Kongreso ang 2025 budget ng OVP mula 2 billion pesos tungo sa 733-million pesos dahil sa hindi pagsagot ng Pangalawang Pangulo sa mga tanong hinggil sa paggamit ng pondo, kabilang ang confidential funds.
Para sa 2026, tumaas sa 903 milyon ang mungkahing budget ng OVP mula sa dating 733 milyon.