Umabot na sa 81,000 employees compensation claims na may relasyon sa COVID-19 pandemic ang na-proseso na ng Employees Compensation Commission (ECC).
Ayon kay Stella Zipagan-Banawis, executive director ng ECC, sa pamamagitan ito ng Government Service Insurance System (GSIS) para sa state workers at Social Security System (SSS) para sa manggagawa sa pribadong sektor.
Nasa 24,000 cash assistance na ang naproseso na nagkakahalaga ng 10,000 hanggang 15,000 pesos.
Makakatanggap ng 10,000 pesos kung nag-positibo sa RT-PCR test at 15,000 pesos kung nasawi dahil sa virus. —sa panulat ni Abby Malanday