Kontrolado na ng Commission on Election (Comelec) ang pitong bayan sa Caraga Region.
Ito ang kinumpirma ni Col. Martin Gamba, Hepe ng Regional Investigation and Detective Management Division ng Police Regional Office-13 sa gitna ng mga banta sa May 9 elections.
Ang pitong lugar na isinailalim sa control ng Comelec ay ang mga bayan ng Barobo, Tagbina at Liangga sa Surigao del Sur, Rosario, Prosperidad at San Francisco sa Agusan del Sur at Sison sa Surigao del Norte.
Agad namang nagtalaga ang PNP ng special action force at mobile forces sa mga naturang lugar.