Aabot sa 60% ng mga Pilipino ang galit sa nalantad na isyu ng korapsyon sa mga infrastructure, partikular sa flood control projects.
Batay ito sa OCTA Research survey na isinagawa noong Setyembre 25 hanggang 30 sa 1,200 respondents.
Pinakamarami ang naitala sa NCR — 81%; sinundan ng Balance Luzon, 64%; Visayas, 53%; at Mindanao, 46%.
Nasa 30% naman ang amining natatakot, habang 9 percent ang nalulungkot at 1% lamang ang nakikita pang may pag-asang maresolba ang problema.
Lumabas din sa OCTA survey na walo sa bawat sampung Pilipino, o 83%, ang sumusuporta sa desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isiwalat ang mga katiwalian sa flood control projects.
Nasa 46% naman ng mga respondents ang pabor na pangunahan ng independent commission ang imbestigasyon sa flood control scandal.