Hindi muna papayagan ng pamahalaan na makapasok ng Pilipinas ang anim na bansa matapos ilagay sa red list ang Eswatini, Lesotho, Malawi, Mozambique, Namibia, at Spain sa January 1 hanggang January 15, 2022.
Ayon sa Malacañang, tanging papayagan lamang na makapasok ng bansa ang Overseas Filipino Workers Repatriation Flights na inorganisa ng pamahalaan ng Pilipinas at iba pang private partners.
Samantala, narito naman ang mga bansang isinailalim sa green list kabilang na ang:
Bangladesh
Benin
Bhutan
British virgin islands
China
Cote d’ ivoire (Ivory Coast)
Djibouti
Equatorial Guinea
Falkland islands (malvinas)
Fiji
The Gambia
Guinea
Hong Kong
Indonesia
Kuwait
Kyrgyzstan
Liberia
Montserrat
Oman
Pakistan
Paraguay
Rwanda
Saba (Special Municipality Of The Kingdom Of The Netherlands)
Saint Barthelemy
Sao Tome and Principe
Senegal
Sierra Leone
Sint Eustatius
Taiwan
Timor-Leste (East Timor)
Togo
Uganda, at
United Arab Emirates
Ang mga bansa namang hindi kasama sa mga nabanggit na pangalan ay inilagay naman sa yellow list.
Dahil dito, nagpaalala ang Bureau of Quarantine, Department of Transportation-One Stop Shop at ang Bureau of Immigration na kikilalanin lamang ang proofs of vaccination na aprubado ng IATF. —sa panulat ni Angelica Doctolero