Baha pa rin ang mahigit sa 100 lugar sa Ilocos Region, Central Luzon, MIMAROPA at Metro Manila.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, sanhi pa rin ito ng naiwang epekto ng pananalasa ng bagyong Nona.
Samantala, 8 lungsod at mahigit sa 40 bayan naman sa Central Luzon, MIMAROPA, CALABARZON, Bicol at Eastern Visayas ang wala pa ring suplay ng kuryente.
Mahigit sa 40 kalsada at 21 tulay pa rin anila ang hindi madaanan.
Habang mahigit sa 150 bahay naman ang naitalang napinsala ng bagyo sa buong bansa.
Pumalo naman sa P2 Billion ang naitalang pinsala ng NDRRMC sa sektor ng agrikultura at imprastruktura nang humagupit ang bagyong Nona noong nakaraang linggo.
By: Allan Francisco