Kinumpirma ni Agap Partylist Rep. Nicanor Briones, na siya nga ang nakuhanan ng litrato na umano’y nanonood ng e-sabong sa gitna ng sesyon ng Kamara.
Nilinaw ni Briones na hindi e-sabong ang kaniyang pinanonood at fakenews ang nag-viral sa social media.
Aniya, hindi siya marunong ng online gaming; wala siyang GCash; at wala rin siyang money transfer na kinakailangan para makapag online sugal.
Iginigiit ni Briones na nagkataon lang na sa gitna ng sesyon ay nag message ang kaniyang pamangkin at siya’y naimbitahan na sumali sa practitional na pasabong kung saan, nais lamang ipakita sakaniya kung maayos yung manok at tari na gagamitin.
Sinagot din ng kongresista ang panawagan ng mga kapwa mambabatas na humingi siya ng sorry at aminin ang nagawang mali.
Para sa solon, hindi siya ang dapat na magsorry dahil ni minsan ay hindi naman aniya siya pumasok sa loob ng sabungan.
Sinabi ni Briones na hindi siya kinausap ng kumuha sakaniya ng litrato para linawin ang isyu bago ito ipinost sa social media.
Dagdag pa ng mambabatas, humingi na ng dispensa at hindi na niya kakasuhan ang kumuha ng litrato sakaniya.
Ipinunto ni Briones na malinis ang kaniyang konsensiya at hindi siya nagsasabong kaya handa niyang panindigan ang kaniyang mga pahayag dahil walang katotohanan ang alegasyong ibina