Makikinabang na rin sa programang bente pesos kada kilong bigas ng pamahalaan ang mga minimum wage earners.
Ito’y matapos tanggapin ng Department of Agriculture ang mungkahi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na isama ang mga minimum wage workers sa subsidized rice program.
Aasahang magsisimula sa susunod na buwan ang pagbenta ng murang bigas sa mga kwalipikadong manggagawa.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Junior, ang inisyatibang ito ay nakabatay rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawakin pa ang programa sa mga Pilipinong higit na nangangailangan.
Sa kasalukuyan, tanging mga nasa vulnerable sector lamang ang bahagi ng programa kabilang ang mga indigent member ng 4Ps, solo parents, senior citizens, at persons with disabilities.
—sa panulat ni Mark Terrence Molave