Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

51 kawani na sa Kamara ang tinamaan ng COVID-19

by DWIZ 882 August 22, 2020 0 comment
CONGRESS

Pumalo na sa 51 ang bilang ng mga dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Kongreso.

Ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales, isang empleyado mula House Bills and Index Service ang pinakahuling tinamaan ng coronavirus.

Aniya, huling pumasok sa trabaho ang hindi pinangalanang kawani noong August 10 hanggang 12 at kalaunan ay na-ospital ito dahil sa pneumonia.

Mabuti na ang lagay ng pasyente habang patuloy ang contact tracing na ginagawa ng Kamara.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment