Kalahati ng pamilyang Pilipino ang itinuturing ang sarili nila bilang mahirap.
Batay sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations o SWS, 50 percent ng mga pamilya ang nagsasabi na sila ay mahirap, labing dalawang porsyento ang nasa borderline, at 38 percent naman ang hindi itinuturing na sila’y mahirap.
Tumaas ito ng isang porsyento mula noong Hunyo 2025, na may naitalang 49 percent.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, tinatayang katumbas nito ang humigit-kumulang 14.2 milyong pamilya noong Setyembre 2025, mas mataas kaysa 13.7 milyon noong Hunyo.
Samantala, naitala naman ang pinakamataas na self-rated poverty sa Mindanao na umabot sa 69%, sinundan ng Visayas na may 54%, Metro Manila na may 43%, at Balance Luzon na may 42%.
50% ng pamilyang Pinoy, kinukunsidera ang sarili na mahirap, ayon sa SWS survey. was last modified:  October 31st, 2025 by DWIZ 882





