Patay ang limang rescuers sa bulacan matapos malunod habang rumeresponde sa bayan ng San Miguel sa gitna ng pananalasa ng bagyong Karding.
Ayon kay San Miguel Mayor Roderick Tiongson, ang mga biktima ay kabilang sa Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
Nabatid na idineploy ang PDRRMO members bandang alas-4 ng umaga upang sagipin ang ilang residente sa barangay Tigpalas at Camias.
Tiniyak naman ni Bulacan governor Daniel Fernando ang pagkakaloob ng tulong sa pamilya ng mga nasawing rescuer.