Limang hinihinalang hijackers ang patay sa engkwentro nito sa Highway Patrol Group sa Tuba, Benguet kaninang umaga.
Ayon kay PNP-HPG Dir. P/Bgen. Alexander Tagum, nangyari ang engkwentro sa pagitan ng kaniyang mga tauhan at mga suspek sa bahagi ng Marcos Highway dakong alas-4 kaninang umaga matapos makatanggap ng sumbong hinggil sa umano’y insidente ng hijacking.
Agad rumesponde ang mga awtroridadd kung saan, huli sa aktong ninanakaw ng may 5 lalaki ang isang van na may plakang adh 3116 at isa pang kulay gray na suv na walag plaka na nagresulta sa pagsiklab ng enkuwentro na ikinasawi ng mga salarin.
Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng engkuwentro habang inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ng mga napatay na salarin.