Mahalaga pa rin ang pagpapanatili sa kalinisan ng katawan at ibayong pag-iingat upang maiwasan ang pagkakaroon ng COVID-19.
Ito’y ayon kay Quezon City Councilor Candy Medina habang hinihintay pa ng mga residente ng lungsod ang mga bakuna kontra COVID-19 na binili ng pamahalaan.
Kahapon, namahagi ang konsehal ng mahigit kalahating milyong COVID-19 safety kits sa mga residente ng limang Barangay sa lungsod.
Kabilang sa mga nabahaginan ang mga taga-Barangay Silangan, Holy Spirit, Batasan Hills at Commonwealth na una nang nakapagtala ng mataas na bilang ng COVID-19 cases sa lungsod.